Sonny's posts with tag: people
What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.

|  |
April 16, 2008 2 pm, after namin magshoot kay Lapu-lapu ay nagpasya kaming magshoot sa paligid ng Luneta.. Marami kaming nakita na tao na nagpapahinga, naghohontahan, nagrerelax sa ilalim ng puno at ng lilim ng kung ano mang strakturang andun.. Sa aming paglilibot ay marami kaming nakaengkwentro na mga tao, mga bata, pamilya, mag-ina. Nakakatuwa ang ilang bata doon, sila pa mismo ang lumalapit sa amin para kuhanan sila ng litrato. sila pa ang kusang napopose, hindi mo na kailangan sabihan ng pose.. mababakas mo sa kanilang mga mata ang kasiyahan na parang di alintana ang kahirapan nila sa buhay.. mga musmos pa nga talaga sila.. Nakausap din namin yung isang pamilya na may 3 months old na baby, mabait sila, pumayag silang kunan namin ng litrato habang kinakausap namin.. Ang liwasan ng Luneta ang nagsisilbi nilang takbuhan upang maging magaan ang kanilang pakiramdam hindi lamang sa pagod na nararamdaman kundi upang pansamantalang kalimutan ang kahirapan nila sa buhay na patuloy nila nararanasan sa araw araw..Nakita din namin ang mga pulis oysters mga ilang metro mula sa luneta na akala namin ay magagalit sa amin.. yun pala ay papayag naman magpakuha.. hehe






|
| |
|